Idinaos kahapon, Marso 27, 2022 sa Kabul, kabisera ng Afghanistan, ang seremonya ng paglilipat ng mga makataong suplay mula sa South-South Cooperation Assistance Fund (SSCAF) ng Tsina sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) para tulungan ang mga mamamayang Afghani at bansang ito.
Ipinahayagn ni Wang Yu, Embahador Tsino sa Afghanistan, na sa kasalukuyan, kinakaharap ng Afghanistan ang makataong krisis at kahirapan sa kabuhayan at kinakailangan ang tulong mula sa iba’t-ibang panig.
Sinabi ni Wang na palagiang kinakatigan ng Tsina ang UN sa pagganap nito ng mas malaking papel sa usapin ng makataong krisis.
Nakahanda aniya ang Tsina na aktibong magkaloob ng mga tulong sa mga mamamayan ng Afghanistan sa pamamagitan ng mga bilateral na tsanel.
Pinasalamatan naman ng kinatawan ng Tanggapan ng UNHCR sa Afghanistan ang mga tulong mula sa SSCAF at panig Tsino para sa Afghanistan.
Sinabi niyang napapanahon ang naturang mga suplay at ang mga ito ay tiyak na magdudulot ng aktuwal na tulong sa mahigit 90 libong refugee at bata sa bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio