Sinimulan nitong Lunes, Marso 28, 2022 ang taunang Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika. Ang pagsasanay na ito ay tatagal ng 12 araw.
Ayon sa ulat ng panig militar ng Pilipinas, dadalo sa pagsasanay ang halos 3800 tauhang militar ng Pilipinas at 5100 tauhang militar ng Amerika.
Kabilang sa pagsasanay ay ang seguridad na pandagat, amphibious operations, live-fire training, at gawaing panaklolo.
Bukod dito, ang pagsasanay ay kinabibilangan ng command post exercise para subukin ang mga kakayahan ng hukbo sa komunikasyon at komand sa isang simulated environment.
Salin: Ernest
Pulido: Mac
PLA, nagkaroon ng militar na pagsasanay sa rehiyong pandagat sa timog silangan ng bansa
Multinasyonal na pagsasanay para sa pangangalagaan sa kapayapaan, idraos sa Tsina
PLA, isinagawa ang regular na pagsasanay malapit sa timog silangang baybaying-dagat ng Tsina
Pagpapalitan hinggil sa medisinang militar ng ASEAN-China Maritime Exercise-2018, isinagawa