Kompetisyon ng bokasyonal na kakayahan ng BRICS, idaraos

2022-03-29 16:31:51  CMG
Share with:

 

Ayon sa ulat ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, idaraos mula Marso hanggang Nobyembre, 2022 ang unang kompetisyon ng bokasyonal na kakayahan ng mga bansang BRICS na kinabibilangan ng Tsina, Rusya, Brazil, India at South Africa.

Ang kompetisyong ito ay itinataguyod ng Tsina para sa mga guro at estudyante ng mga bokasyonal na kolehiyo ng mga bansang BRICS.

Ang kompetisyong ito ay kinabibilangan ng mahigit 20 paligsahan na may kinalaman sa digital economy, high-end manufacturing at mga bagong industriya at teknolohiya.

Ang huling laban ng kompetisyon ay idaraos sa Nobyembre sa Xiamen, Tsina.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method