BRICS Seminar on Governance 2021, binuksan

2021-11-03 16:16:49  CMG
Share with:

Binuksan dito sa Beijing kahapon, Nobyembre 2, 2021 ang BRICS Seminar on Governance 2021.
 

Sa pamamagitan ng kapuwa online at offline na plataporma, malalimang nagpalitan ang mahigit 150 kinatawan mula sa limang bansang BRICS (Brazil, Rusya, India, Tsina, at Timog Aprika) ng kani-kanilang karanasan sa pangangasiwa ng bansa.
 

Inilabas sa seremonya ng pagbubukas ang “Proceedings ng BRICS Seminar on Governance & Cultural Exchange Forum 2020,” at nilagdaan ang plano sa kooperatibong pananaliksik at pagbabahagi ng katalinuhan ng mga bansang BRICS sa pangangasiwa ng bansa.
 

Ang nasabing seminar ay konkretong hakbangin ng pagpapatupad ng mga kaukulang mungkahi na iniharap ng panig Tsino sa ika-13 Summit ng BRICS.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method