UN, nanawagan para sa tigil-putukan sa Ukraine

2022-03-29 16:31:28  CMG
Share with:

Nanawagan Marso 28, 2022, si Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), sa mga kinauukulang panig na agarang isagawa ang tigil-putukan sa Ukraine para matamo ang progreso sa talastasang pulitikal.

 

Samantala, dumating nitong Marso 28, 2022, ng Istanbul, pinakamalaking lunsod ng Turkey, ang delegasyon ng Rusya at delegasyon ng Ukraine.

 

Idinaos ngayong araw sa Istanbul, ng dalawang panig ang closed-door na talastasan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method