Bagong round ng face-to-face negotiation ng mga delegasyon ng Rusya at Ukraine, gaganapin sa katapusan ng buwang ito

2022-03-28 11:45:12  CMG
Share with:

Ipinahayag Linggo, Marso 27, 2022 sa social media ni Vladimir Medinsky, Puno ng Grupong Pangnegosasyon ng Rusya at Asistente ng Pangulong Ruso, na napagkasunduan ng kanyang bansa at Ukraine na ganapin sa Marso 29 hanggang 30, 2022 ang face-to-face negotiation.
 

Samantala, sa kanya namang social media account, sinabi ni David Arakhamia, Miyembro ng Delegasyon ng Ukraine, na gaganapin sa Turkey ang naturang bagong round ng talastasan mula ika-28 hanggang ika-30 ng Marso.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method