Beijing, Tsina—Nagtanim ng mga puno nitong Miyerkules, Marso 30, 2022 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ito ang ika-10 taon nang tuluy-tuloy na pagsali ni Xi sa taunang aktibidad ng pagtatanim ng mga puno.
Saad ni Xi, layon ng kanyang pagsali na gumawa ng personal na ambag tungo sa pagtatatag ng kaaya-ayang Tsina, at himukin ang buong lipunan, lalong lalo na, ang mga kabataan, na pasulungin ang ecological advancement.
Kasali rin sa nasabing aktibidad ang iba pang mga lider ng bansa na gaya nina Li Keqiang, Li Zhanshu, Wang Yang, Wang Huning, Zhao Leji, Han Zheng and Wang Qishan.
Kasama ang mga residente ng Beijing, itinanim ng mga lider Tsino ang mga puno sa isang parke sa Distritong Daxing.
Tinukoy ni Xi na sapul nang idaos ang ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), iginigiit ng bansa ang ideyang “napakahalagang yaman ng bansa ang kapaligirang ekolohikal.”
Bukod dito, komprehensibo rin aniyang pinapalakas ang pagpapa-unlad ng sibilisasyong ekolohikal, pinapasulong ang pagsasaluntian ng bansa, at pinabubuti ang kapaligiran ng pamumuhay sa mga lunsod at nayon.
Ang pag-usbong ng isang kaaya-ayang Tsina ay isang patotoo ng tagumpay ng nasabing mga hakbang, dagdag niya.
Aniya, kailangang ipagpatuloy ang pagsisikap, upang pangalagaan at panumbalikin ang sistemang ekolohikal, at isakatuparan ang pundamental na pagbuti ng kapaligiran.
Salin: Vera
Pulido: Rhio