Tsina isasagawa ang countermeasures sa Amerika

2022-04-01 16:22:00  CMG
Share with:

Kaugnay ng pahayag nitong Marso 21, 2022, ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, na nagsabing maghihigpit ang Amerika sa pagbibigay ng visa sa mga opisyal na Tsino na umano'y “nakapinsala sa karapatang pantao,” ipinahayag nitong Marso 31, 2022, sa preskon, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na isasagawa ng Tsina ang countermeasures sa mga opsiyal ng Amerika na naglahad ng kasinungalingan, nagsulong ng sangsyon sa Tsina, at nakapinsala sa kapakanan ng Tsina sa isyu ng karapatang pantao na may kinalaman sa Tsina.

Tsina isasagawa ang countermeasures sa Amerika_fororder_02wangwenbin

Aniya, gamit ang karapatang pantao bilang dahilan, nagsinungaling ang Amerika at nakialam sa mga suliraning panloob ng Tsina . Ang aksyong ito ng Amerika ay walang anumang moralidad, grabeng lumabag sa pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, at buong tatag na tinututulan ito ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method