Resolusyon hinggil sa pagpapasulong at pangangalaga sa mga karapatan sa kabuhayan, lipunan at kultura, pinagtibay ng UNHRC

2022-04-02 12:07:20  CMG
Share with:

Pinagtibay nitong Biyernes, Abril 1, 2022 ng Ika-49 na Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang resolusyon hinggil sa pagpapasulong at pangangalaga sa mga karapatan sa kabuhayan, lipunan, at kultura, at pagpawi sa di-pagkakapantay-pantay.
 

Ang naturang resolusyon ay magkakasamang isinumite ng Tsina, Pakistan, Ehipto, Timog Aprika at Bolivia.
 

Ipinagdiinan ng nasabing resolusyon ang kahalagahan ng pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig para sa pagpapasulong at pangangalaga sa mga karapatan sa kabuhayan, lipunan at kultura at pagpapawi sa di-pagkakapantay-pantay.
 

Ipinanawagan nitong pag-ibayuhin ng High Commissioner for Human Rights ng UN ang mga gawain sa nabanggit na aspekto, at ipagkaloob ang mabisang tulong sa iba’t ibang bansa.
 

Winewelkam din ng resolusyon ang inisyatibang pangkunlaran na makakatulong sa pagpapatupad ng 2030 Agenda for Sustainable Development.
 

Nang isalaysay ang panukalang resolusyon sa ngalan ng mga nagsumiteng bansa, inihayag ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa Tanggapan ng UN sa Geneva, na dapat pakinggan ng UNHRC ang panawagan ng iba’t ibang bansa, lalong lalo na, mga umuunlad na bansa, at tugunan ang pananabik ng mga mamamayan, lalong lalo na, mga mahinang grupo, upang tulungan silang mas mainam na magtamasa ng mga karapatan sa kabuhayan, lipunan at kultura, at mapawi ang di-pagkakapantay-pantay.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method