Sa pulong ng ika-49 na sesyon ng UN Human Rights Council na idinaos nitong Miyerkules, Marso 16, 2022, inihalad ni Chen Xu, Kinatawang Tsino sa Tanggapan ng United Nations sa Geneva, ang paninindigang Tsino hinggil sa karapatang pantao.
Tininukoy ni Chen na ang masayang pamumuhay ng mga mamamayan ay pinakamahalagang karapatang pantao, at dapat ilagay ng iba’t ibang bansa ang mga mamamayan sa sentro. Sinabi ni Chen na dapat komprehensibong pasulungin ng mga bansa ang karapatan ng mga mamamayan sa pulitika, kabuhayan, lipunan, kultura at kapaligiran batay sa sariling kalagayang pambansa at aktuwal na pangangailangan ng mga mamamayan.
Ipinahayag ni Chen na ang tanging puwersa na maaaring maging sukatan ng kalagayan ng karapatang pantao ng isang bansa ay ang mga mamamayan ng bansang ito, sa halip ng paggamit ng istandard ng ibang mga bansa. Tinututulan aniya ng Tsina ang paggamit ng dual standard sa isyung ito, lalo na sa paggamit ng karapatang pantao bilang kasangkapan sa pakikialam sa mga suliraning panloob ng isang bansa.
Ipinahayag din ni Chen na nakahanda ang panig Tsino na aktibong isakatuparan, kasama ng mga bansa, ang Global Development Initiative para pasulungin ang kooperasyon at pag-unlad na pandaigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Mac