“Kumilos sa Pagtutol sa Rasismo,” tema ng International Day for the Elimination of Racial Discrimination sa 2022

2022-03-21 16:10:30  CMG
Share with:

“Kumilos sa Pagtutol sa Rasismo,” tema ng International Day for the Elimination of Racial Discrimination sa 2022_fororder_20220321lahi1640

Sa ilalim ng temang “Kumilos sa Pagtutol sa Rasismo,” ipinagdiriwang  ngayong araw, Marso 21, 2022 ang International Day for the Elimination of Racial Discrimination.
 

Bilang paggunita sa Sharpeville Massacre sa bayang Sharpeville ng Timog Aprika noong Marso 21, 1960 na nagresulta sa pagkamatay ng mahigit 70 katao, at pagkasugat ng mahigit 200 iba pang demonstrador, pinagtibay noong 1966 ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN) ang resolusyon na nagtakda sa Marso 21 ng bawat taon bilang International Day for the Elimination of Racial Discrimination.
 

“Kumilos sa Pagtutol sa Rasismo,” tema ng International Day for the Elimination of Racial Discrimination sa 2022_fororder_20220321lahi4640

Napatay na itim na babae sa Sharpeville Massacre ng Timog Aprika noong 1960

“Kumilos sa Pagtutol sa Rasismo,” tema ng International Day for the Elimination of Racial Discrimination sa 2022_fororder_20220321lahi5640

Mga nasawi at nasugatan sa Sharpeville Massacre ng Timog Aprika, taong 1960

“Kumilos sa Pagtutol sa Rasismo,” tema ng International Day for the Elimination of Racial Discrimination sa 2022_fororder_20220321lahi6640

Kolektibong libing ng mga nasawi sa Sharpeville Massacre ng Timog Aprika 1960
 

Sa mula’t mula pa’y nananatiling isa sa mga isyung binibigyan ng malaking pansin ng UN ang pagtutol sa rasismo at diskriminasyong panlahi.
 

Hinggil dito, isang serye ng deklarasyon at kasunduan ang binalangkas at pinagtibay ng UN.
 

Bukod pa riyan, idinaraos bawat Marso 21 ng maraming bansa ang iba’t-ibang uri ng aktibidad, at ipinalalabas ang komunike o idinaraos ang espesyal na pulong para manawagan sa komunidad ng daigdig na tutulan ang diskriminasyong panlahi.
 

Ngunit sa kasalukuyang daigdig, dahil sa nagkakaibang lahi, kulay ng balat, ninuno at relihiyon, unibersal pa ring umiiral ang diskriminasyon sa maraming aspektong gaya ng pulitika, kabuhayan, lipunan, at pamumuhay.
 

Sa katotohanan, nitong ilang taong nakalipas, madalas na nangyayari sa Amerika ang mga pagmamaltrato sa mga lahing hindi puti ang kulay ng balat.
 

Sa ilalim ng umano’y regulasyong panlipunan na “demokrasyang may estilong Amerikano,” namumukod pa rin ang problemang panlahi, at nanganganib pa rin ang kaligtasan ng buhay ng mga grupong minorya sa bansa.
 

Silipin natin ang mga pang-aapi sa ilalim ng umano’y “demokrasyang” Amerika.
 

“Kumilos sa Pagtutol sa Rasismo,” tema ng International Day for the Elimination of Racial Discrimination sa 2022_fororder_20220321lahi9640

Naganap noong Marso 20, 2021 sa Atlanta, Amerika ang demonstrasyong may temang “Stop Asian Hate.”

“Kumilos sa Pagtutol sa Rasismo,” tema ng International Day for the Elimination of Racial Discrimination sa 2022_fororder_20220321lahi3640

Idinaos noong Enero 18, 2022 sa Times Square, New York ng Amerika ang isang candlelight vigil bilang pakikidalamhati kay Michelee Aylssa Go, 40 anyos na Asyanong nasawi sa isang subway attack. Ayon sa kagawaran ng pulis ng New York, hanggang Disyembre 12, 2021, naganap sa lunsod ang 27 subway attack na may kaugnayan sa race hate.

“Kumilos sa Pagtutol sa Rasismo,” tema ng International Day for the Elimination of Racial Discrimination sa 2022_fororder_20220321lahi8640

Sa Manhattan Chinatown sa New York, Amerika, idinaos noong Pebrero 14, 2022 ang isang malawakang demonstrasyon laban sa “Asian Hate.”

Ikinatatakot ng mga Asyano ang palala nang palalang pampublikong seguridad sa Amerika. Ayon sa isang ulat na ipinalabas ng panig pulis ng New York noong nagdaang Disyembre 2021, lumaki ng 361% ang bilang ng mga pag-atake sa mga Asyano kumpara sa gayunding panahon ng taong 2020.
 

Kabilang sa ganitong mga insidente ang pagpalo ng isang lalaki sa isang 65 anyos na Pilipino-Amerikanong babae habang naglalakad siya sa kalsada.
 

“Kumilos sa Pagtutol sa Rasismo,” tema ng International Day for the Elimination of Racial Discrimination sa 2022_fororder_20220321lahi10640

“Kumilos sa Pagtutol sa Rasismo,” tema ng International Day for the Elimination of Racial Discrimination sa 2022_fororder_20220321lahi12640

Kaugnay nito, inilabas sa social media ni Manny Pacquiao, ang artikulong nagsasabing “Ako ang Labanan Mo, Duwag!”

“Kumilos sa Pagtutol sa Rasismo,” tema ng International Day for the Elimination of Racial Discrimination sa 2022_fororder_20220321lahi11640

Ipinanawagan din niya ang pagtitigil sa pag-atake at pang-aapi sa mga Asyano.
 

Kasalukuyang idinaraos ang Ika-49 na Pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) kung saan malalim at komprehensibong ipinaliwanag ng kinatawang Tsino ang mga ginagawang pagsisikap at natamong bunga ng Tsina sa mga larangang gaya ng pag-unlad ng kabataan, karapatan at kapakanan ng mga kababaihan, at pagbibigay-tulong sa mahihirap.
 

“Kumilos sa Pagtutol sa Rasismo,” tema ng International Day for the Elimination of Racial Discrimination sa 2022_fororder_20220321lahi7640

Si Chen Xu, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN sa Geneva

Sa pulong na may temang “Pagpapasulong at Paggarantiya sa Karapatang Pantao ng Lahat” ng Ika-49 na Pulong ng UNHRC, tinukoy ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN sa Geneva, na ang pagkakaroon ng maligayang pamumuhay ng mga mamamayan ay pinakamahalagang karapatang-pantao. Dapat aniyang igiit ng iba’t-ibang bansa ang pagpapauna sa mga mamamayan para mapasulong ang kanilang komprehensibong kaunlaran at walang-patid na mapalakas ang kanilang pagkakamit ng damdamin ng kaligayahan, at kaligtasan.
 

Dagdag pa niya, mabuti man o hindi ang kalagayan ng karapatang-pantao ng isang bansa, ang mga mamamayan ng bansang ito ang dapat magbigay ng pagtasa, at hindi dapat husgahan alinsunod sa pamantayan ng ibang bansa.
 

Hindi dapat isagawa ang “Double Standard” sa isyu ng karapatang-pantao, at di-dapat ito gamiting pulitikal sa panghihimasok sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, diin pa ni Chen.
 

“Kumilos sa Pagtutol sa Rasismo,” tema ng International Day for the Elimination of Racial Discrimination sa 2022_fororder_20220321lahi2640

Samantala, ipinalabas ngayong araw, Marso 21 ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ang panawagan ng pagkakaisa ng buong sangkatauhan para sa pagkakapantay-pantay, katarungan, at dignidad ng lahat.

Salin: Lito
Pulido: Rhio
Photo Courtesy: VCG

Please select the login method