Tunxi, probinsyang Anhui ng Tsina — Sa pag-uusap nitong Sabado, Abril 2, 2022 nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Don Pramudwinai, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Thailand, sinabi ni Wang na ang kasalukuyang taon ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Thailand.
Dapat aniyang pabilisin ang pagsasanggunian ng kapwa panig tungkol sa plano ng kooperasyon sa “Belt and Road” Initiative at samantalahin ang pagkakataon ng “Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP)” upang mapalawak ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng elektronikong siyensiya’t teknolohiya, digital economy, at bagong enerhiya.
Ipinahayag naman ni Don Pramudwinai ang kahandaan ng Thailand na pasulungin kasama ng Tsina ang BRI.
Sinang-ayunan din ng kapuwa panig ang matatag na pagpapasulong ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Salin: Lito
Pulido: Rhio