Shanghai, sinuri ang 24 na milyong residente para sa COVID-19 sa loob ng isang araw

2022-04-05 20:24:10  CMG
Share with:

Shanghai, sinuri ang 24 na milyong residente para sa COVID-19 sa loob ng isang araw_fororder_8bff8a76f7684a899e7a58b75a617305-750

 

Sa Shanghai kahapon, Abril 4, 2022, kinuha ang mga sample ng mahigit 24 na milyong residente para sa nucleic acid testing. Ito ay pinakamalaking pagsisikap ng naturang lunsod sa silangang Tsina, para putulin ang pagkalat ng COVID-19 at iwasan ang paglala ng epidemiya.

 

Samantala, naitala kahapon sa Shanghai ang 268 bagong domestikong kumpirmadong kaso ng COVID-19, at 13,086 bagong asimtomatikong kaso.

 

Sa kasalukuyan, nasa pansamantalang closed-off management ang Shanghai, makaraang maganap ang bagong outbreak ng COVID-19.

 

Paktapos makuha ang mga samples, isinasagawa ngayon ang ibayo pang mga gawaing gaya ng pagtetest, mga pagsusuri, paghahatid ng mga positibong kaso, at pag-aanalisa at pagtasa ng kalagayan ng epidemiya.

 

Sa sandaling matatapos ang lahat ng mga gawaing ito, ipapatupad ang mga follow-up na hakbangin ng pagkontrol, batay sa mga may kinalamang pambansang regulasyon at resulta ng testing.

 

Ayon naman sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, dumating ng Shanghai ang mahigit 38,000 tauhang medikal mula sa ibang mga lugar ng Tsina, para suportahan ang mga taga-Shanghai sa paglaban sa epidemiya.

 

Kabilang sa kanila, mahigit 27,000 ang namamahala sa pagkuha ng sample at pagtetest, at 11,000 naman ang idineploy sa mga makeshift hospital.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method