Pagkakaibigan at kooperasyon, ipagpapatuloy ng Tsina at Pilipinas

2023-01-05 16:18:17  CMG
Share with:


Sina Li Zhanshu at Ferdinand R. Marcos Jr. (photo from Xinhua)


Sa pagtatagpo, Enero 4, 2023, nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pirmihang Komite ng Pambansang Kongresyong Bayan (NPC) ng Tsina, sinabi ni Li na ang Tsina at Pilipinas ay magkaibigan at magkapitbansa.

 

Palagi aniyang pinapa-unlad ng Tsina ang relasyon sa Pilipinas, mula sa estratehikong pananaw.

 

Aniya pa, alinsunod sa mahalagang komong palagay na narating ng dalawang bansa, magsisikap ang Tsina, upang palakasin ang pagkakaibigan at pabutihin ang kooperasyon, suportahan ang isa’t-isa sa mahahalagang isyu, isakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan, maayos na hawakan ang mga pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo, at pasulungin ang mas malaking pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino sa bagong panahon.

 

Nais din ng NPC na lalo pang palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagkooperasyon sa lehislatura ng Pilipinas, saad ni Li.

 

Sinabi naman ni Pangulong Marcos Jr., na kasama ng Tsina, magsisikap ang Pilipinas, para pataasin ang bilateral na kooperasyon sa estratehikong antas at harapin ang mga hamon.

 

Pinasalamatan din ni Marcos Jr. ang suporta ng Tsina sa Pilipinas sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVDI-19).

 

Sa larangan ng turismo at negosyo at muling pagbubukas ng Tsina, sinabi niyang hinihintay ng Pilipinas ang muling pagbisita ng mga Tsino, bilang mga turista at mamumuhunan.

 

Salin:Sarah

Puildo:Rhio