Responsibilidad, isinasabalikat ng Tsina sa paglaban sa COVID-19 – sarbey ng CGTN

2023-01-05 16:14:30  CMG
Share with:

Ayon sa sarbey na isinagawa kamakailan ng Think Tank ng China Global Television Network (CGTN) at Chinese Institute of Public Opinion ng Renmin University, ipinalalagay ng 56.2% ng mga respondiyente, na gumaganap ng mahalagang papel ang Tsina sa pandaigdigang paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Dagdag nito, bilib ang naturang mga respondiyente sa hakbang ng Tsina sa pamimigay ng mga bakuna at iba pang kagamitan sa mga nangangailangang bansa.


Naniniwala rin ang 51.4% ng mga respondiyente, na ang mga bansang may nangungunang komprehensibong pambansang lakas ay dapat magsabalikat ng internasyonal na responsibilidad na angkop sa kanilang nasyonal na kakayahan.

 

Anila pa, mainam ang mga ginawang hakbang ng Tsina sa usaping ito.

 

Bukod pa riyan, naniniwala ang 66.6% ng mga batang respondiyente na gaganap ng mas malaking papel ang Tsina sa pandaigdigang pangangasiwa.

 

Ang nasabing sarbey ay sumasaklaw sa 41 bansa’t rehiyon ng mundo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio