Ayon sa Wall Street Journal ng Amerika, Enero 10, 2023, pinababa ng World Bank (WB) sa 1.7% ang target ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa 2023.
Noong Hunyo 2022, ang nasabing target ay 3%.
Ayon pa sa WB, ito ang magiging ikatlong pinakamaliit na paglaki ng kabuhayang pandaigdig nitong nakaraang 30 taon, kasunod ng resesyon ng kabuhayang pandaigdig noong 2009 at 2020.
Samantala, ipinapakita ng isa pang ulat ng WB, na ilan sa mga dahilan ng nasabing pagliit ng kabuhayan ay mataas na implasyon, pagtaas ng interest rate, pagbaba ng pamumuhunan, at sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine.
Salin: Kulas
Pulido: Rhio