Bagong pokus ng paglago ng kabuhayang Tsino ang mga sasakyang gumagamit ng bagong enerhiya.
Noong unang hati ng 2022, mahigit 2.66 milyon ang output ng bagong enerhiyang sasakyan ng Tsina, at 2.6 milyon naman ang kabuuang bilang ng mga naibenta.
Kapuwa lumaki ng 1.2 beses ang naturang dalawang datos kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Magmula noong 2015, 7 taon nang nangunguna sa daigdig ang output at benta ng bagong enerhiyang sasakyan ng Tsina, at maliban sa mga kalunsuran, tanyag na rin sa kanayunan ang ganitong uri ng sasakyan.
Noong 2021, mahigit 1 milyong bagong enerhiyang sasakyan ang naipagbili sa mga kanayunan ng bansa, at ito ay lumaki ng 169% kumpara sa taong 2020.
Ang mga bagong enerhiyang sasakyang gawa ng Tsina ay may moderno’t mas intelehenteng disenyo, mas malayong mararating, at mas magandang karanasan sa pagmamaneho.
Dahil diyan, ang mga ito ay mainit na tinatanggap ng mga kostumer sa ibang bansa.
Noong 2020, iniluwas ng Tsina ang 224,000 bagong enerhiyang sasakyan, at umabot naman sa 590,000 ang nasabing bilang noong 2021.
Samantala, lampas 1 milyon ang iniluwas ng bansa noong unang 11 buwan ng 2022.
Maliban sa mga rehiyong gaya ng Timogsilangang Asya, Timog Amerika at Aprika, kung saan hindi pa nakagawian ang paggamit ng bagong enerhiyang sasakyan, unti-unti nang dumadako sa mga maunlad na pamilihang gaya ng Europa ang ganitong produkto ng Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Rhio