CMG Komentaryo: Amerika, pinakamalaking hadlang sa kampanya ng buong mundo laban sa pandemiya

2023-01-11 14:47:00  CMG
Share with:

Inihayag kamakailan ng pamahalaang Amerikano ang kahandaang ipagkaloob sa Tsina ang mga tulong na gaya ng bakuna, habang isinasagawa nito ang restriksyon sa pagpasok ng mga manlalakbay na Tsino sa bansa.

 

Ang ganitong mapagkunwaring palabas ay madalas gawin ng Amerika.

 

Nitong nakalipas na 3 taon, bilang pinakamalaking bigong bansa sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ang Amerika ay nagkukunwari bilang pinuno at tagapagsuporta ng pandaigdigang kampanya kontra pandemiya.

 

Palagiang ipinakakalat ng Amerika na ito ang pinakamalaking tagabigay ng bakuna kontra COVID-19 sa daigdig, at ipinangakong ihahandog sa daigdig ang di-kukulangin sa 1.1 bilyong dosis ng bakuna bago mag-2023.

 

Sa katunayan, hanggang noong Enero 5 ng taong ito, 665.1 milyong dosis pa lamang ang naibigay.

Gayunpaman, ayon sa datos ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika, mula noong Marso hanggang Setyembre ng 2021, di-kukulangin sa 15.1 milyong dosis ng bakuna ang naaksaya ng bansa.

 

Sa kabilang banda, kumalat sa Amerika ang halos lahat ng mga variant ng coronavirus.

 


Bukod diyan, ang negatibong pakikitungo ng pamahalaang Amerikano sa paglaban sa pandemiya ay nagbunsod ng pagkalat ng virus sa iba’t-ibang lugar ng daigdig, at nagbunga ng napakalaking banta sa buhay at kalusugan ng mga mamamayan ng maraming bansa.

 

Ipinakikita pa ng nasabing datos na mula noong Abril ng 2020 hanggang Marso 2021, mahigit 23 milyong person-time na Amerikano ang lumabas sa bansa, at saklaw ng kanilang destinasyon ang buong mundo.

 

Ang malawakang pagpapauwi ng Amerika sa mga ilegal na mandarayuhang nahawa ng COVID-19 ay sanhi rin ng pagsidhi ng kalagayan ng pandemiya sa mga bansa sa Latin-Amerika at iba pang rehiyon.

 

Sa kasalukuyan, mabilis na kumakalat sa Amerika ang XBB.1.5 sub-variant.

 

Dapat napapanahon, hayagan at maliwanag na ibahagi ng Amerika ang mga impormasyon at datos ng kalagayan ng pandemiya sa World Health Organization (WHO) at komunidad ng daigdig, at isagawa ang mabisang hakbangin upang pigilan ang pagkalat ng pandemiya.

 

Sa kabilang dako, nitong nakalipas na 3 taon, hindi lamang mabisang pinangalagaan ng Tsina ang buhay at kalusugan ng mahigit 1.4 bilyong mamamayan nito, kundi responsable ring isinagawa ang pandaigdigang kooperasyon laban sa pandemiya.

 

Sino ba ang may ambag sa pandaigdigang kampanya kontra pandemiya, at sino ba ang tagapag-sira nito?

 

Ang mga mamamayan mula sa bawat sulok ng mundo ang makakasagot nito.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio