Bagong satellite para sa serbisyong telekomunikasyon, pumasok sa nakatakdang orbita

2023-01-13 14:41:41  CMG
Share with:

Xichang Satellite Launch Center, lalawigang Sichuan sa dakong timog kanluran ng Tsina  Sakay ng Long March-2C carrier rocket, matagumpay na inilunsad, 2:10 ng umaga, Enero 13, 2023 (Beijing Time) ng Tsina ang bagong satellite na APSTAR-6E para sa serbisyong telekomunikasyon.

 

Pumasok na sa nakatakdang orbita ang naturang satellite.

 

Pangunahing gagamitin ang satellite upang magkaloob ng mga serbisyong pangkomunikasyon na may high-throughput para sa rehiyon ng Timog-silangan Asya.

 

Ang misyong ito ay ang ika-460 paglipad ng Long March carrier rocket series.

 

Salin: Kulas

Pulido: Ramil