Relasyong Sino-Beninese, isusulong pa

2023-01-15 16:39:13  CMG
Share with:

Cotonou — Sa kanyang pakikipagtagpo Enero 13 (local time), 2023 kay dumadalaw na Ministrong Panlabas Qin Gang ng Tsina, ipinahayag ni Pangulong Patrice Talon ng Benin na ang kanyang bansa ay unang destinasyong dinalawan ng bagong halal na Ministrong Panlabas ng Tsina sa biyahe sa Aprika. Ito aniya ay nagpapakita ng pagkakaibigan at mahigpit na pag-uugnayan ng dalawang bansa.

 

Sinabi niya na pinahahalagahan ng Benin ang ibinibigay na suporta at tulong ng panig Tsino sa mahabang panahon. Patuloy na magiging matatag at maaasahang kaibigan ng Tsina ang Benin, aniya pa.

 


Inaasahan ng Benin na mapapalalim at mapapalawak ang pragmatikong pakikipagkooperasyon sa Tsina upang mapabilis ang pag-ahon ng bansa, diin pa ng Pangulong Beninese.

 

Ipinahayag naman ni Qin ang pasasalamat ng panig Tsino sa pagkaunawa at pagkatig ng Benin sa mga isyung may kaugnayan sa nukleong kapakanan ng Tsina.

 

Inaasahan din aniya ng panig Tsino na magkasamang ipapatupad ang narating na mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa at bunga ng Ika-8 Pulong Ministeriyal ng Porum na Pangkooperasyon ng Tsina at Aprika upang walang humpay na mapasulong ang relasyong Sino-Beninese.