GDP ng Tsina sa 2022, mahigit 121 trilyong yuan RMB: lumaki ng 3% kumpara sa 2021

2023-01-17 16:03:28  CMG
Share with:

Inihayag ngayong araw, Enero 17, 2023, sa news briefing ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, na mahigit 121 trilyong yuan RMB ang halaga ng Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina noong 2022, na lumaki ng 3% kumpara sa 2021.

 

Samantala, umabot naman sa mahigit 686.5 milyong tonelada ang kabuuang bolyum ng naiprodyus na pagkaing-butil ng bansa noong 2022 - mas mataas ng mahigit 3.6 milyong tonelada kumpara sa 2021, at lumaki ng 0.5%.

 

Dagdag pa ng tanggapan, mahigit sa 12 milyon ang bagong trabaho sa mga lunsod noong 2022, na lampas sa target na 11 milyon lamang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio