GDP ng Tsina noong unang hati ng taong 2022, lumaki ng 2.5%

2022-07-15 11:46:15  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Hulyo 15, 2022 ng National Bureau of Statistics (NBS) ng Tsina, ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng bansa noong unang hati ng taong ito ay umabot sa mahigit 56.2 trilyon yuan RMB na lumaki ng 2.5% kumpara sa parehong panahon ng taong 2021.


Ayon pa sa datos, ang GDP ng Tsina nitong nagdaang ikalawang kuwarter ay umabot sa mahigit 29.2 trilyong yuan RMB na lumaki ng 0.4% kumpara sa gayung ding panahon ng taong 2021.


Salin: Ernest

Pulido:Mac