Tradisyonal na kulturang Tsino, itatanghal sa 2023 CMG Spring Festival Gala

2023-01-17 16:34:39  CMG
Share with:

 

Isinagawa kagabi, Enero 16, 2023, ang ikaapat na ensayo para sa 2023 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG).

 

Sa gala sa taong ito, itatanghal ang mga palabas ng Puxian Opera, isang tradisyonal na opera sa timog silangan ng Tsina na may mahigit isang libong taong kasaysayan, pati rin ng Nanyin Music, isang uri ng tradisyonal na musika sa timog silangan din ng Tsina na nakalakip sa listahan ng mga intangible cultural heritage ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization.

 

Ipapakita ng mga palabas na ito ang kasaganaan ng tradisyonal na kulturang Tsino na ipinagpapatuloy sa loob ng mahigit isang libong taon.


Editor: Liu Kai