Pakikiramay, ipinahayag ni Xi Jinping sa pangulo ng Nepal sa pagbagsak ng pampasaherong eroplano ng bansa

2023-01-18 15:04:52  CMG
Share with:


Sa pamamagitan ng telepono, ipinahayag, Enero 16, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Bidhya Devi Bhandari ng Nepal ang pakikiramay kaugnay ng pagbagsak kamakailan ng isang pampasaherong eroplano ng bansa.

 

Ani Xi, nabigla siyang malaman na malaking kasuwalti ang idinulot ng naturang pangyayari.

 

Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipina-abot niya ang pagdadalamhati sa mga nasawi at taos-pusong pakikiramay sa kanilang mga kamag-anakan.

 

Samantala, isang mensahe ng pakikiramay ang ipinadala rin nang araw ring iyon ni Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Pushpa Kamal Dahal, Punong Ministro ng Nepal.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio