Pagpapalitan ng Tsina at Amerika, mananatili

2023-01-19 17:55:14  CMG
Share with:


Enero 18, 2023, Zurich, Switzerland - Propesyonal, malalim, matapat, pragmatiko, at konstruktibo ang isinagawang pag-uusap nina Pangalawang Premiyer Liu He ng Tsina at Kalihim ng Tesorarya Janet L. Yellen ng Amerika hinggil sa pagsasakatuparan ng mahahalagang komong palagay na napagkasunduan ng mga lider ng Tsina at Amerika sa Bali, Indonesya; kalagayang makro-ekonomiko’t pinansyal ng Tsina, Amerika at buong daigdig; pagharap sa komong hamon ng mundo, at iba pang isyu.

 

Ayon sa dalawang panig, ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig ay nasa masusing yugto, kaya ang pagpapalakas ng koordinasyon sa patakarang makro-ekonomiko, at magkasamang pagharap sa mga hamon sa larangan ng kabuhayan at pinansya ay makabuti sa Tsina, Amerika at buong daigdig.

 

Samantala, ipinahayag ng panig Tsino ang pagkabahala sa patakaran ng Amerika sa kabuhayan, kalakalan at teknolohiya tungo sa Tsina.

 

Umaasa ani Liu ang Tsina na papahalagahan ng Amerika ang epekto ng naturang patakaran sa kapuwa panig.

 

Aniya pa, malugod na tatanggapin ng Tsina ang pagbisita ni Yellen sa angkop na panahon ngayong taon.

 

Maliban diyan, sumang-ayon din sina Liu at Yellen, na panatilitin ang pagpapalitan at komunikasyon ng grupong pangkabuhayan at pangkalakan ng dalawang bansa sa iba’t ibang antas.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio