White paper ng Tsina sa “Berdeng Pag-unlad sa Bagong Panahon,” inilabas

2023-01-19 17:58:50  CMG
Share with:


 

Inihayag ngayong araw, Enero 19, 2023, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang pagpapalabas ng white paper na pinamagatang “Berdeng Pag-unlad sa Bagong Panahon.”

 

Nilagom at inilahad dito ang mga nukleong ideya at karanasan ng Tsina sa berdeng pag-unlad, at mga hakbangin at natamong bunga sa nasabing larangan nitong nakaraang 10 taon.

 

Anang dokumento, matatag na tatahak ang Tsina sa landas ng berdeng pag-unlad, at itatatag ang modernisasyong may harmonya sa pagitan ng sangkatauhan at kalikasan.

 

Makikipagkooperasyon din ang Tsina at iba’t-ibang bansa para maitayo ang mas malinis at mas kaaya-ayang mundo, saad pa nito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio