Ikalimang ensayo ng 2023 CMG Spring Festival Gala, idinaos

2023-01-20 16:08:21  CMG
Share with:

Idinaos, Enero 19, 2023, ang ikalimang ensayo ng 2023 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG), ayon sa pamantayan ng opisyal na pagsasahimpapawid.

 

Itatampok ng gala ngayong taon ang maraming pagtatanghal na kinabibilangan ng sayaw, kanta, opera, akrobatika, iskit, maikling pelikula, at iba pa.

 

Gagamitin din sa gala ang mga inobasyon sa teknolohiya gaya ng 8k UHD (Ultra High Definition) + 3D Color Sound sa live broadcast, at Vertical Screen + Multi-screen para sa mga tagapanood ng CMG Mobile, at iba pa.

 

Layon ng lahat ng ito na magkaloob ng mas mainam na ekperiyensya ng panonood sa mga tagatangkilik gamit ang iba’t-ibang plataporma.

 

Sa kasalukuyan, tapos na ang lahat ng ensayo para sa 2023 Spring Festival Gala.

 

Kasama ng mga mamamayang Tsino, ipagdiriwang ng gala ang maligayang pagsalubong sa Bagong Taong Tsino.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio