Promosyon ng CMG Spring Festival Gala, nakadispley sa Empire State Building, New York

2023-01-21 19:23:27  CMG
Share with:

Sa unang pagkakataon, masisilayan ngayong araw, Enero 21, 2023, ang promosyon ng Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG) sa Empire State Building sa lunsod ng New York, Amerika.

 

Maraming Amerikanong mamamahayag ang nagpunta sa nasabing lugar upang kumuha ng larawan at video.

 

Naitayo ang Empire State Building noong 1931, at pinakapopular na lugar na panturista ng lunsod ng New York.

 

Ayon sa estadistika, halos 4 na milyong turista mula sa iba’t-ibang sulok ng daigdig ang naglalakbay rito kada taon.


Salin: Lito

Pulido: Rhio