Listahan ng palabas ng 2023 Spring Festival Gala, narito na

2023-01-21 00:11:25  CMG
Share with:


 


Ang 2023 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG) ay nakatakdang idaos alas-8:00 ng gabi (Beijing Time), Enero 21, 2023, bisperas ng Bagong Taong Tsino-Taon ng Kuneho.

 

Isang araw nauna rito, inilabas ng CMG ang listahan ng mga palabas ng naturang gala.

 

Ang Spring Festival Gala, na kilala rin bilang“Chunwan sa wikang Tsino ay may 40 taong kasaysayan sapul nang magsimula itong itanghal noong 1983.

 

Ang gala ay di-maihihiwalay na bahagi ng selebrasyon ng mga mamamayang Tsino sa pagsalubong ng Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino, pinakamakabuluhang kapistahan ng mga Tsino sa apat na sulok ng mundo na nagtatampok sa pagsasalu-salo at pagtitipun-tipon ng pamilya.

 

Kabilang sa apat na oras na taunang pagtatanghal ang awit, sayaw, dula-dulaan, opera, iskit pangkomedya o sketch comedy, sining ng pakikipaglaban o Wushu, akrobatika, at iba pa.

 

Gagamitin din sa pagtatanghal ang mga bagong teknolohiya na gaya ng 4K/8K, Artificial Intelligence (AI), Extended Reality (XR) at iba pa para matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tagasubaybay sa iba’t-ibang plataporma.


 

Narito ang listahan ng mga palabas ng 2023 Spring Festival Gala. 



Salin/Patnugot: Jade 

Pulido: Rhio