2023 Spring Festival Gala

2023-01-24 21:40:23  CMG
Share with:


Bilang pagsalubong sa Bagong Taong Tsino-Taon ng Kuneho, inihandog ng China Media Group (CMG) ang 2023 Spring Festival Gala, Enero 21, 2023.



Nitong apat na dekadang nakalipas, sapul nang magsimula itong isahimpapawid noong 1983, ang panonood ng taunang Spring Festival Gala, kasama ng pagsasalu-salo, pagtitipun-tipon ng pamilya, at pagdidikit ng mga couplet ay naging kagawian ng mga Tsino sa iba’t-ibang lugar ng daigdig, habang sabik na hinihintay ang pagdating ng Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino.


 

Ang pagtatanghal ay binubuo ng mga palabas na gaya ng awit, sayaw, dula-dulaan, opera, iskit pangkomedya o sketch comedy, sining ng pakikipaglaban o Wushu, akrobatika, at iba pa.


 

Sa 2023 Spring Festival Gala, ipinalabas sa kauna-unahang pagkakataon ang Puxian Opera, lokal na opera mula sa Putian, lalawigang Fujian sa dakong timog ng Tsina. 



Kasabay nito, upang mapasulong ang integrasyon at inobasyon ng estratehiyang "Thought + Art + Technology" ng CMG, ginamit din ang mga bagong teknolohiyang kinabibilangan ng 4K/8K, Artificial Intelligence (AI), Extended Reality (XR), at iba pa, para mabigyan ng mas mabuting eksperiyensya ang mga manonood sa iba’t-ibang plataporma.



Halimbawa ay ang 8K UHD (Ultra High Definition) + 3D Color Sound na gagamitin sa live broadcast, at ang teknolohiyang Vertical Screen + Multi-screen para sa mga tagapanood sa mga mobile device.


 

Bukod pa riyan, mayroon ding dual platform na live broadcast ng "Hundred cities and thousand screens + cloud listening" at bunga nito, maaaring maranasan ng mga tagapagtangkilik ang nakaka-engganyong audio-visual effect sa 8K UHD sa malalaking public screen sa mga liwasang kultural sa 500 siyudad sa Tsina.



Salin/Edit: Jade


Pulido: Rhio