Domestikong pelikula, pinataas ang box office ng Tsina sa Pestibal ng Tagsibol

2023-01-24 12:45:46  CMG
Share with:

Ang mga poster ng "The Wandering Earth II," "Full River Red" at "Hidden Blade" sa isang sinehan sa Yichang, lalawigang Hubei, Tsina, Enero 22, 2023.


Hanggang ala-una y treinta (13:30) ng hapon, Lunes, Enero 23, 2023, ikatlong araw ng pitong araw na kapistahan ng Bagong Taong Tsino, umabot na sa 2.3 bilyong yuan Renminbi (US$294.79 milyon) ang box office ng Tsina.

 

Malaki ang ini-ambag ng mga domestikong pelikula ng Tsina upang maabot ang halagang ito.

 

Ang sci-fi na pelikulang "The Wandering Earth 2," na nahanahay sa unang puwesto ay umani ng 665 milyong yuan, samantalang ang suspense costume drama na "Full River Red" na nasa ikalawang puwesto ay kumita ng 609 na milyong yuan.

 

Umabot naman sa 226 na milyong yuan ang box office ng "Hidden Blade" na nasa ikatlo sa talaan.

 

Sa isang linggong kapistahan ng Pestibal ng Tagsibol, mula Enero 21 hanggang Enero 27, pitong pelikulang Tsino na may iba’t-ibang genre, gaya ng sci-fi, period drama, isports, komedya, at pantasiya ang nakatanghal sa mga sinehan sa Tsina.


Salin: Jade

Pulido: Rhio