Tsina, patatatagin at palalawakin ang tunguhin ng pagbangon ng kabuhayan

2023-01-29 18:40:19  CMG
Share with:

Sa regular na pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina na idinaos kahapon, Enero 28, 2023, sinabi ni Premyer Li Keqiang, na kailangang magsikap ang iba’t ibang panig, para patatagin at palawakin ang tunguhin ng pagbangon ng kabuhayang Tsino.

 

Binigyang-diin niyang, dapat ipatupad ang mga desisyon ng Sentral na Pulong sa Gawaing Pangkabuhayan, tiyakin ang katatagan sa paglago, hanapbuhay, at presyo ng mga bilihin, at panatilihin ang mabuting takbo ng kabuhayan.

 

Dapat ding pabilisin ang pagbangon ng konsumo, at patatagin ang kalakalan at pamumuhunang panlabas, dagdag ni Li.


Editor: Liu Kai