Pag-akyat sa bundok, simbolo ng pag-abante sa bagong taon

2023-02-02 11:29:24  CMG
Share with:

Ang pag-akyat sa bundok ay isa sa mga tradisyunal na kaugalian ng mga Tsino tuwing Pestibal ng Tagsibol, dahil ito ay nagpapahayag ng hangarin sa pagkakaroon ng mas maunlad na buhay.

 

Sa parke ng Bundok Longding sa lunsod Liaoyang, probinsyang Liaoning sa Hilagang-silangang Tsina, isinasabit ang mga pulang Deng Long o Parol Tsino at iba pang palamuti, para lumikha ng maligayang atmospera at akitin ang mga tao na pumarito’t umakyat.

 

Mula sa plasa sa paanan ng bundok hanggang sa tuktok, makikita ang 365 baitang hagdan. Ang 365 ay kumakatawan sa 365 araw ng isang taon. Dahil dito, naniniwala ang mga tao, na matapos akyatin ang bundok sa panahon ng Pestibal ng Tagsibol, matatamo ang pag-unlad sa bagong taon.

 

Kapag panahon ng Pestibal ng Tagsibol, idinaraos sa maraming lugar ng Tsina ang mga ehersiyo na gaya ng pag-akyat sa bundok at paglalakad sa kalikasan, dahil ang mga ito ay nagpapahayag ng pag-asa ng mga Tsino sa pagkakaroon ng malusog na katawan sa bagong taon.

 

Sana’y magkaroon tayong lahat ng araw-araw na pag-abante sa Taon ng Kuneho.

 

Video/Script: Kulas

Pulido: Rhio/Jade