Matatag na paglaki ng kapuwa bolyum at kalidad ng kalakalang panlabas noong 2022, naabot ng Tsina

2023-02-03 16:06:44  CMG
Share with:


Sa preskon, Pebrero 2, 2023 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ipinahayag ni Li Xingqian, Opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na noong 2022, naisakatuparan ng bansa ang target na “matatag na paglaki ng kapuwa bolyum at kalidad” ng kalakalang panlabas.


Aniya, noong 2022, muling nakagawa ng bagong rekord ang pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina, na umabot sa 42 trilyong yuan RMB (US$6.3 trilyon). 


Napanatili din aniya ng Tsina ang katayuan bilang pinakamalaking bansa ng kalakalan ng paninda nitong nakaraang 6 na taon singkad.


Ani Li, noong isang taon, lumaki ang pagluluwas ng Tsina ng mga produktong may sulong na teknolohiya, mataas na value added, at may kinalaman sa berdeng pag-unlad, na gaya ng de-kuryenteng sasakyan, produktong photovoltaic, at bateryang lithium.


Dagdag niya masiglang pinapaunlad din ng Tsina ang mga bagong porma ng kalakalang panlabas na kinabibilangan ng Cross-Border Electronic Commerce at iba pa.


Sa harap ng magulong pandaigdigang kalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan, isinagawa ng Tsina ang malakas na hakbangin, at pinatatag ang pagpoprodyus at pagluluwas, na nagsisilbing mabisang garantiya sa maayos na pagtakbo ng kadena ng industriya at suplay ng buong daigdig, aniya pa. 


Dagdag ni Li, sa taong 2023 ay ipapalabas ang mga bagong patakarang pangkabuhayan at pangkalakalan, para tulungan ang mga kompanya na paliitin ang gastusin at lutasin ang mga porblema, tungo sa lalo pang pagpapataas ng komprehensibong kakayahan ng kompetisyon ng kalakalang panlabas ng Tsina.


Salin:Sarah

Pulido:Rhio