Kooperasyong pandepensa sa pagitan ng mga bansa, dapat makabuti sa kapayapaan at katatagan - Tsina

2023-02-03 16:08:51  CMG
Share with:

 

Inanunsyo, Pebrero 2, 2023 ng Amerika at Pilipinas ang kasunduang magbibigay-akses sa mga tropang Amerikano na gamitin ang 4 pang base-militar ng Pilipinas.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na palagiang ipinalalagay ng Tsina, na ang kooperasyong pandepensa ng mga bansa ay dapat makabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, sa halip na nakatuon sa iba, o makapinsala sa kapakanan ng ikatlong panig.

 

Aniya, dahil sa makasariling interes, nakakapit pa rin ang Amerika sa kaisipan ng zero-sum, at walang humpay na pinapalakas ang kapabilidad-militar sa Asya-Pasipiko.

 

Ito ay lalo lamang magpapalala ng tensyon at magsasapanganib sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, aniya pa.

 

Dapat manatiling mapagbantay ang mga bansa ng rehiyon, at para maiwasan ang koersyon at panggagamit ng Amerika.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio