Beijing 2022 Winter Olympics, unang anibersaryo; "kahanga-hangang pamana" nito, pinahahalagahan ng puno ng IOC

2023-02-05 17:58:14  CMG
Share with:

Sa kanyang pahayag na inilabas kahapon, Pebrero 4, 2023, kaugnay ng unang anibersaryo ng pagbubukas ng Beijing 2022 Winter Olympic Games, sinabi ni Pangulong Thomas Bach ng International Olympic Committee (IOC), na iniwan ng naturang palaro ang kahanga-hangang pamana, at mayroon itong mahalagang impluwensiya sa hinaharap.

 

Bilang unang lunsod sa daigdig na naghost ng kapwa Summer at Winter Olympics, tinupad ng Beijing ang pangako sa pagtataguyod ng isang maayos, ligtas, at magandang Olimpiyada noong isang taon. Samantala, matagumpay na pinalaganap ng Tsina ang winter sports, at lumahok ang mahigit 300 milyong Tsino sa mga isport ng yelo at niyebe nitong nakalipas na ilang taon.

 

Bilang tugon, sinabi ni Bach, na maaaring balik-tanawin ng Tsina ang naturang palaro, sa pamamagitan ng lubos na pagmamalaki sa nakaraan at higit na pagtitiwala sa hinaharap.

 

Ang lahat ng mga Tsino ay mahalagang bahagi sa pagsulat ng kapansin-pansing kabanata sa kasaysayan ng Olimpiyada, dagdag niya.


Editor: Liu Kai