Grupo ng pagliligtas ng Tsina, dumating ng Türkiye

2023-02-08 12:02:58  CMG
Share with:

Dumating, Miyerkules, Pebrero 8, 2023 ng Adana Airport ng Türkiye ang grupo ng pagliligtas ng Tsina na binubuo ng 82 miyembro.

 


Isinalaysay ni Zhao Ming, puno ng naturang grupo, na makikipagkoordina sila sa Pasuguan ng Tsina sa Türkiye, pamahalaang lokal at kaukulang organo ng United Nations (UN), para tanggapin ang mga espisipikong tungkulin sa paghahanap at pagliligtas, batay sa kasalukuyang proseso.

 

Ipapadala rin aniya ng kanyang grupo ang mga tauhan para maglakbay-suri sa mga lugar ng paghahanap at pagliligtas, at itatayo ang himpilan sa ligtas at angkop na pook.

 


Matatandaang niyanig, Pebrero 6 ng magnitude 7.7 na lindol ang lalawigang Kahramanmaras ng Türkiye na kahangga ng Syria.

 

Sa kasalukuyan, lampas na sa 6,000 ang naitalang patay sa Türkiye at Syria.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio