Unang round ng negosasyon para sa Bersyon 3.0 ng China-ASEAN FTA, sinimulan

2023-02-08 16:46:13  CMG
Share with:

 


Inihayag, Pebrero 7, 2023, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na nagsimula na ang unang round na konsultasyon para sa Bersyon 3.0 ng China –Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Free Trade Area (FTA).

 

Sa pamamagitan ng video link, lumahok sa konsultasyon ang mga kinauukulang awtoridad ng Tsina at mga bansang ASEAN, mga opisyal ng Sekretaryat ng ASEAN at iba pa, anang ministri.

 

Dagdag pa nito, malalim na tinalakay ng dalawang panig ang mga isyung kinabibilangan ng tuntunin at pamamaraan, organisasyonal na pagkaka-ayos, plano ng mga gawain ng negosasyon, at itinakda ang timetable at road map para sa susunod na negosasyon.

 

Noong Nobyembre, 2022, magkasamang inanunsyo ng Tsina at ASEAN ang pagsisimula ng naturang negosasyon.

 

Sumang-ayon ang dalawang panig na sasaklawin ng negosasyon ang mga larangang kinabibilangan ng kalakalan sa paninda, pamumuhunan, at didyital at berdeng ekonomiya, para itatag ang mas inklusibo, moderno, komprehensibo, at may mutuwal na benepisyong China-ASEAN FTA.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio