Unang spacewalk ng Shenzhou-15, isasagawa

2023-02-09 16:20:33  CMG
Share with:

 


Inanunsyo, Pebrero 8, 2023, ng China Manned Space Engineering Office (CMSEO), na isasagawa sa darating na ilang araw ng mga taikonaut ng Shenzhou-15 ang unang spacewalk.

 

Anang CMSEO, 70 araw nang nagtatrabaho sa orbita ang tatlong taikonaut, sapul nang makipaghugpong ang Shenzhou-15 sa istasyong pangkalawakan ng Tsina noong Nobyembre 30, 2022.

 

Sa kasalukuyan, nasa mainam na kondisyon ang tatlong taikonaut, matatag ang paghuhugpong ng Shenzhou-15 at istasyong pangkalawakan, at handa na ang lahat para sa unang spacewalk, saad pa ng CMSEO.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio