Lagay ng COVID-19 sa Tsina, maayos

2023-02-10 16:43:41  CMG
Share with:

Ipinahayag, Pebrero 9, 2023, ni Mi Feng, Tagapagsalita ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan (NHC) ng Tsina, na maayos sa kasalukuyan ang kalagayan ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong bansa.

 

Si Mi Feng, Tagapagsalita ng NHC (file photo)


Wala aniyang natutuklasang pagsidhi ng transmisyon ng virus, hindi lumalala ang mga sakit na kaugnay nito, at hindi lumalakas ang abilidad ng virus na takasan ang imyunidad ng katawan at bakuna.

 

Aniya pa, dapat patuloy na pahalagahan ang pagkontrol at pagpigil sa COVID-19, partikular, sa mga lugar na kinabibilangan ng mga tahanang nag-aalaga sa matatanda, tahanang tumitingin sa kapakanan ng mga bata, mga kindergarten, at mga paaralan, at iba pa.

 

Salin: Sarah

Pulido: Rhio