6 katao, na-iligtas ng rescue team ng Tsina sa Türkiye

2023-02-13 17:00:20  CMG
Share with:


 

Lumahok, Pebrero 12, 2023 sa dalawang misyon ng paghahanap at pagliligtas sa nilindol na purok ng Türkiye ang 42 miyembro ng mga grupo ng pagliligtas o rescue team ng Tsina na naka-deploy sa naturang bansa.

 

Isa (1) katao na nakulong sa mga guho ang matagumpay nilang na-iligtas, 3 labi ng mga nasawi ang kanilang natagpuan, at isinagawa ang pagsusuri sa 4 na gusaling grabeng nasira.

 

Hanggang sa kasalukuyan, 206 na persontime na tauhan ang naipadala na, ng mga grupo ng Tsina sa 13 misyon ng paghahanap at pagliligtas sa Türkiye.

 

Dahil dito, 6 katao ang matugumpay na na-iligtas, at 8 labi ng mga nasawi ang natagpuan.

 

Maliban diyan, aktibo ring nakikipag-ugnayan at nakikipagpalitan ang mga grupo ng Tsina sa iba pang grupo ng pagliligtas mula sa iba’t-ibang bansa, at patuloy nilang pinapabuti ang mga gawaing tulad ng komunikasyon, garantiyang medikal, at iba pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio