Huwebes, Pebrero 9, 2023 – Lampas na sa 15,000 ang kabuuang bilang ng mga naitalang patay sa lindol na naganap Pebrero 6 sa dakong timog silangan ng Türkiye na kahangga ng Syria.
Kabilang dito, halos 12,400 ang nasawi sa Türkiye, ayon sa Disaster and Emergency Management Authority ng bansa.
Samantala, di-kukulanging 1,262 katao ang namatay sa sonang kontrolado ng pamahalaan ng Syria, at di-kukulanging 1,730 katao naman ang sinawing-palad sa rehiyong hawak ng paksyong oposisyon ng bansa.
Sa kabilang dako, dala ang unang pangkat ng materyales at medikal na kagamitan, ipinadala ngayong araw ng Red Cross Society ng Tsina ang mga tauhang panaklolo sa nilindol na purok ng Syria upang umayuda sa mga 5,000 apektadong mamamayan.
Nauna rito, magkahiwalay ring ipinagkaloob ng naturang samahan ang US$200,000 na pondo sa Türkiye at Syria.
Salin: Vera
Puldio: Rhio