Kooperasyon sa iba't-ibang larangan, isusulong ng Tsina't Thailand

2023-02-13 17:02:04  CMG
Share with:

 

Sa kanyang pakikipagtagpo ngayong araw, Pebrero 13, 2023, sa Beijing, kay Don Pramudwinai, dumadalaw na Pangalawang Premyer at Ministrong Panlabas ng Thailand, sinabi ni Qin Gang, Ministrong Panlabas ng Tsina, na kasama ng Thailand, handang magsikap ang kanyang bansa, para mabuting isakatuparan ang bunga ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Thailand noong nakaraang taon, at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng dalawang bansa, tungo sa magkasamang pagharap sa mga hamon at likhain ang pagkakataon ng kooperasyon at pag-unlad.

 

Kaugnay ng susunod na yugto ng komprehensibong kooperasyon ng Tsina at Thailand, iminungkahi ni Qin na panatilihin ang mataas na pagpapalitan, pasulungin ang pagtatamo ng bagong bunga sa pagtitiwalaang pulitikal, at isagawa ang aktuwal na kooperasyon at pagpapalitang kultural ng dalawang panig.

 

Aniya pa, magkasamang pasusulungin ng Tsina at Thailand ang Global Development Initiative at Global Security Initiative, isasakatuparan ang mahalagang bunga ng summit bilang paggunita sa Ika-30 Anibersaryo ng Pagtatatag ng Relasyong Pandiyalogo ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at pasusulungin ang bagong progreso ng multilateral na kooperasyon.

 

Samantala, ipinahayag ni Don Pramudwinai na dapat magkakasamang isakatuparan ng Tsina at Thailand ang serye ng mahahalagang komong palagay na narating sa panahon ng pagdalaw ni Pangulong Xi sa Thailand noong nakaraang taon.

 

Lubos aniyang pinahahalagahan ng Thailand ang relasyon sa Tsina, at buong tatag itong nananangan sa prinsipyong isang Tsina.

 

Umaasa rin siyang mapapnatili ng dalawang bansa ang pagpapalitan sa iba’t-ibang antas, at aktibong pasusulungin ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio