“Sentral na Dokumento Numero 1” para sa 2023, inilabas ng Tsina: bitalisasyon ng kanayunan, binigyang-pokus

2023-02-14 16:02:16  CMG
Share with:

 

Inilabas, Pebrero 13, 2023, ng Tsina ang “Sentral na Dokumento Numero 1” para sa 2023, at ito’y nakapokus sa pagpapasulong ng pagbangon ng kanayunan.

 

Layon nitong patnubayan ang mga gawain sa agrikultura, kanayunan at mga magsasaka, ito ang ika-20 “Sentral na Dokumento Numero 1,” na inilabas ng bansa sa ika-21 siglo.

 

Ang nasabing dokumento ay may 9 na bahagi na kinabibiklangan ng: pagsisikap para sa matatag na produksyon at garantiya ng suplay ng mga produktong agrikultural; pagpapalakas ng konstruksyon ng imprastrukturang agrikultural; pagpapalakas ng suporta para sa kagamitan at siyensiyang pang-agrikultura; pagpapatibay ng bunga ng paghulagpos ng karalitaan; pagpapasulong ng dekalidad na pag-unlad ng kanayunan; pagpapalawak ng paraan ng paglaki ng kita ng mga magsasaka; aktuwal na pagpapasulong sa konstruksyon ng magandang kanayunan; pagpapabuti sa sistema ng pagsasa-ayos ng kanayunan sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC); at pagpapalakas ng garantiya sa patakaran at inobasyon ng sistema at mekanismo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio