Sa bisperas ng Ika-5 Kapistahan ng Anihan ng mga Magsasaka ng Tsina at sa ngalan ng Komite Sentral ng Partido Komunita ng Tsina (CPC), inihayag ni Pangulong Xi Jinping ang pagbati at taos-pusong pangungumusta sa mga magsasaka at trabahante ng unang prente ng agrikultura at kanayunan ng bansa.
Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyang taon, napanaigan ang epekto ng pambihirang ulan at baha sa dakong hilaga ng bansa noong nagdaang Taglagas, naiwasan ang malawakang pagkaantala ng pagtatanim ng trigo sa Taglamig, nakontrol ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ilang lugar, naharap ang hamon ng sobrang init na klima at malubhang tagtuyot sa ilang lugar sa katimugan, at naisakatuparan ang paglago ng output ng pagkaing-butil sa Tag-init at maagang naani ang mga pananim na palay.
Dahil dito, may pag-asa aniyang maisakatuparan muli ang masaganang ani ng pagkaing-butil.
Diin ni Xi, dapat palakasin ng mga komite ng Partido sa iba’t ibang antas at pamahalaan ang garantiya sa seguridad ng pagkain, patibayin ang pundasyon ng agrikultura at natamong bunga ng pagpawi sa karalitaan, buong tatag na pasulungin ang pagpapasigla ng kanayunan, at isakatuparan ang mas maganda’t mayamang kanayunan, at mas maligayang pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio