Inaprobahan kamakailan ng Konseho ng Estado ng Tsina ang pagtatayo ng China-Philippines joint demonstration zone for economic innovative development, at pangkalahatang balangkas ng konstruksyon nito.
Kabilang sa laman ng pangkalahatang balangkas ay pagtatatag ng sona ng pamumuhunan at kalakalan na may pagkokomplimentaryo ng yaman; pagtatatag ng plataporma ng serbisyo at kalakalan na may inobasyon; pagtatatag ng bagong modelo ng kooperasyon ng industriya na may sentro ng pananaliksik sa siyensiya’t teknolohiya; pagtatatag ng bagong highland cooperation sa industriya ng serbisyo, at iba pa.
Itatayo ang nasabing sona sa lunsod Zhangzhou, lalawigang Fujian sa dakong timog silangan ng Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag ng Ministri ng Komersyo ng bansa, na suportado ng lalawigang Fujian ang mabisa at mabuting konstruksyon ng sona; at palagian nitong pabubutihin ang patakaran para malakas at maayos na mapasulong ang konstruksyon ng naturang sona.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio