Bubuksan Sabado, Marso 5, 2022 sa Beijing ang Ika-5 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, at ipipinid ito sa Marso 11.
Sa news briefing Biyernes, isinalaysay ni Zhang Yesui, Tagapagsalita ng nasabing sesyon na 10 aytem ang pinagtibay sa listahan ng mga agenda ng kasalukuyang Sesyon.
Susuriin ng mga mambabatas ang mga dokumentong kinabibilangan ng government work report at mga panukala ng organic law ng mga lokal na kongresong bayan at lokal na pamahalaan.
Ika-4 na Sesyon ng Ika-13 NPC
Pagtatalunan din ang panukalang desisyon hinggil sa bilang ng mga miyembro ng deputado sa ika-14 na NPC at kanilang eleksyon, at dalawang panukalang paraan ng paghalal ng mga deputado ng mga Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong at Macao sa ika-14 na NPC.
Salin: Vera
Pulido: Mac