CMG Komentaryo: Ano ang ugat ng madalas na pagkadiskaril ng tren sa Amerika?

2023-02-17 17:37:27  CMG
Share with:

Ayon sa website ng “Newsweek” ng Amerika, naganap sa bansa nitong nakalipas na di-kukulangin sa 2 buwan, ang mahigit sampung aksidente ng tren.

 

Ang mas kasindak-sindak ay nasa 1,700 ang pangkaraniwang bilang ng pagdiskaril ng tren kada taon.

 

Batay naman sa datos ng Kagawaran ng Transportasyon ng Amerika, halos 4.5 milyong toneladang nakalalasong produktong kemikal ang inihahatid, sa pamamagitan ng daambakal kada taon.

 

Samantala, 12,000 tren na may dalang mapanganib na materyal ang dumadaan sa mga lunsod at nayon kada araw.

 


Sa katunayan, ang pagkadiskaril ng tren sa estado ng Ohio kamakailan ay isang halimbawa ng sobrang paghahangad ng kita ng industriya ng Amerika, at pagbabalewala sa mga panganib.

 

Para sa malalaking kompanya ng industriyang ito, ang pinakamahalagang pungsyon ng daambakal ay bigyan sila ng kita, at hindi bilang mahalagang imprastruktura ng transpotasyon.

 

Kaya pinaparami nila ang takbo ng mga tren, pinapababa ang gastos ng operasyon sa pamamagitan ng pagtatakwil ng kinakailangang kagamitang pangkaligtasan, at itinitiwalag ang di-umanong mga “labis” na manggagawa, para kumita nang mas malaki ang mga mataas na manedyer.

 

Kung kita lamang ang siyang magsisilbing nukleong hangarin ng lahat, hindi maihahatid ng mga plano sa imprastruktura ng Amerika ang benepisyo sa karaniwang mga mamamayan.

 

Noong Nobyembre 2021, pinagtibay ng pamahalaan ni Joe Biden ang isang rebisadong batas sa imprastruktura na nagkakahalaga ng US$1.2 trilyon, at ayon dito, malawakang itatayo ang mga lansangan, tulay, puwerto, paliparan at iba.

 

Pero sa isang bansa kung saan, kita lamang ang importante, di-siguradong mapapabuti ng nasabing batas ang imprastruktura.

 

Para sa mga pulitikong Amerikano, kung hindi nila isasagawa ang malalim na reporma, mauuwi lamang sa wala ang anumang pondong dapat ay nakalaan sa mga proyektong pang-imprastruktura.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio