Pagdungis sa reputasyon ng Tsina sa katuwiran ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus, mariing kinondena

2023-02-17 16:28:39  CMG
Share with:

Bilang tugon sa balitang itinigil na ng World Health Orgnization (WHO) ang ikalawang yugto ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus dahil ayaw makipagkooperasyon ng Tsina, ipinahayag, Pebrero 15, 2023, ng Sekretaryat ng WHO na hindi totoo ang balitang ito, at isinasagawa pa rin ng WHO ang pananaliksik.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Pebrero 16, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matatag na tinututulan ng Tsina ang pagkakalat ng pekeng impormasyon sa katuwiran ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus, at pagsira sa reputasyon ng Tsina sa katuwirang ito.

 


Aniya, ito ay hindi makakabuti sa pagsasagawa ng pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at dapat itong nagkakaisang tutulan ng komunidad ng daigdig.

 

Binigyan-diin ni Wang na palagiang suportado at lumalahok ang Tsina sa pansiyensiyang pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus sa buong daigdig.

 

Nananagan ang Tsina sa bukas, mailwanag at responsableng pakikitungo, dagdag niya.

 

Sa kasalukuyan, parami nang parami aniya ang mga nadidiskubreng tanda na tumutukoy sa pinagmulan ng SARS-CoV-2, at kabilang sa mga ito ang posibleng pagkakasangkot ng mga bio-military base ng Amerika sa Fort Detrick at iba pang dako ng daigdig.

 

Kailangang pahalagahan ng WHO ang naturang mga tanda, isagawa ang kooperasyon sa kinauukulang bansa, at ibahagi ang bunga ng pananaliksik sa iba’t-ibang panig, saad ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio