Rusya, sinuspinde ang paglahok sa kasunduan ng New START

2023-02-22 16:30:38  CMG
Share with:


Russian President Vladimir Putin delivers his annual address to the Federal Assembly in Moscow, Russia, February 21, 2023. /CFP

 

Inanunsyo Pebrero 21, 2023, ni Pangulong Vladmir Putin ng Rusya na sinuspinde ng kanyang bansa ang pakikilahok sa New Strategic Arms Reduction Treaty (New START) with the United States, sa halip na umurong sa kasunduan.

 

Hinimok noong unang bahagi ng Pebrero, ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang Rusya na “bumalik sa implementasyon” ng New START, at pahintulutan ang inspeksyon sa mga pasilidad na nuklear ng Rusya.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Putin sa kanyang taunang talumpati sa Federal Assembly na ito’y “sounds like some kind of nonsense amid today's confrontation”.

 

Nabanggit din niya ang potensyal ng combined strike ng NATO, dahil ang Britanya at Pransya ay mayroong arsenal na nuklear na naging banta sa Rusya.

 

Ang New START ay nilagdaan noong 2010 nina Barack Obama, dating Pangulo ng Amerika, at Dmitry Medvedev, dating Pangulo ng Rusya.

 

Ito ang huling natitirang kasunduan ng pagkontrol sa sandatang nuklear sa pagitan ng dalawang nuclear superpowers.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil